Reminders for enumerators

Published: 15 May 2021
on channel: Center for Disaster Preparedness
8,083
67

[TRANSCRIPTION]

Kasing-halaga ng tamang kaalaman, ay ang tamang pag-uugali sa pagkakalap ng datos ng mga enumerators upang maging maayos ang pakikitungo sa kanila ng komunidad at ng mga sambahayan. Narito ang ilang mga tips sa kung ano ang mga dapat na maging kondukta ng enumerators sa kanilang pagbabahay-bahay:

1. Pagdating sa sambahayan, dapat magpakilala ang enumerator, banggitin ang kanilang pakay, at kung anong opisina ang nagsasagawa ng data collection.

2. Maging malinaw at magalang sa pagtatanong. Sundin ng maigi ang pagkakasulat ng mga katanungan sa survey.

3. Maging masinsin at linawin ang mga kasagutang malabo.

4. Ilagay ang mga sagot sa data collection tool sa maayos na paraan upang wastong mai-record ang mga ito. Maaaring tignan muli at baguhin ang survey pagkatapos, upang maiwasan ang mga pagkakamali.

Sa pag iinterview sa komunidad, tangan ng mga enumerator ang mahalagang tungkulin sa pagkuha ng mga impormasyong manggagaling mula sa mga respondents. Kailangang nilang maging sigurado sa impormasyon na kinokolekta nila.

Dapat suriin ng mga enumerator kung tama ang nailagay na mga impormasyon sa KoboCollect bago tuluyang isumite. Hindi na maaaring galawin o i-edit ang datos kapag naisumite na ito.


Watch video Reminders for enumerators online without registration, duration hours minute second in high quality. This video was added by user Center for Disaster Preparedness 15 May 2021, don't forget to share it with your friends and acquaintances, it has been viewed on our site 8,083 once and liked it 67 people.