Please refer to the Primer on Barangay Development Planning included in the IDMS Resource Materials for the complete guide in investment programming and budgeting in the barangay which are integral to operationalize the BDP. The primer also contains templates and other documents helpful for the barangay.
[TRANSCRIPTION:]
Tayo’y nasa pinakahuling bahagi ng training video sa IDMS na ito. Ang mga pagsasanay at pag-iingat na isinagawa upang makakuha ng accurate data tungkol sa disability sector ay parte lamang ng unang hakbang para mabigyan diin at boses ang mga pangangailangan ng komunidad at sektor ng mga may kapansanan.
Ang kasunod na hakbang ay ang paglalapat ng mga datos na nakuha at pagsasaplano ng mga ito alinsunod sa mga proseso ng LGU ng Barangay. Tandaan na ang layunin ng IDMS ay itaguyod ang pagsasama ng mga persons with disability sa pagpaplano, pagbabadyet, at iba pang mga development processes ng mga LGU at ahensya partikular sa DRRM.
Sa bidyong ito, matutunan ninyo kung paano:
● mai-integrate ang IDMS sa pagpaplano at pagbabadyet ng barangay at LGU
● magamit ang Quality Assesment Tool (QAT) upang makita kung paano mas mapapabuti ang Barangay DRRM Plan
Kakailanganin ninyo ang inyong mga templates at kaalaman sa mga planong dinidebelop ng barangay tulad ng Barangay Development Plan, Annual Investment Plan, at DRRM Plan. Maaari niyo ding i-print ang Quality Assessment Tool mula sa Resource Materials.
Kakailanganin pa rin ang mga kasalukuyang plano ng barangay tulad ng Barangay Development Plan, Annual Investment Plan, at Barangay DRRM Plan sa huling parte ng IDMS Training Video. Ang pinaka-tuntungan ng lahat ng isinasagawang pagpapalano sa barangay at LGU ay ang inilabas na Rationalizing the Local Planning System ng DILG. Dito, tahasang binabanggit ang pagsasagawa ng multi-stakeholder na konsultasyon at mapanglahok na proseso ng pagpaplano upang makasali ang mga miyembro ng komunidad sa pagtukoy ng mga public policies at actions na makakatulong sa kanila. Hindi nila kinakailangang alamin ang mga teknikal na proseso ng pagpaplano upang sila’y makasali dito.
Matagal nang itinataguyod ng CDP ang mas mataas na paglalaan ng badyet para sa mga persons with disability sa barangay at LGU. Ito ay nagresulta sa pagtaas ng suporta para sa mga gawaing DRRM sa local level. Ngayon, ang CDP naman ay binibigyang diin ang data collection at pagpapanatili ng database na pagbabasehan ng mga programa, proyekto at gawain na isasama sa mga plano at badyet.
Ang IDMS ay hindi nagpapakilala ng bagong pamamaraan sa pagpapaplano at pagbabadyet. Binibigyan daan lamang nito upang maging mas inklusibo at may pagtingin sa issues, needs, at concerns ng mga persons with disability, ang sektor na madalas naisasantabi sa mga pagpaplano at pagbabudget ng barangay o LGU.
Sang-ayon sa Rationalized the Local Planning System, pangunahing gampanin ng Barangay o Local Development Council ang mga sumusunod:
● Tiyakin ang pakikilahok ng mga tao sa pagbuo ng Local Development Plan;
● Maghanda ng mga plano sa pagpapaunlad ng barangay;
● Subaybayan at suriin ang pagpapatupad ng pambansa o mga lokal na programa at proyekto.
Sa unang kwarter pa lamang ng bawat taon ay dapat sinisimulan na ang pagpaplano at data collection para maisama ang mga ito sa isusumiteng Development Plan ng barangay.
Narito ang nirerekomendang kalendaryo ng mga gawain para sa paghahanda ng Development Plan:
Watch video The Barangay Development Plan online without registration, duration hours minute second in high quality. This video was added by user Center for Disaster Preparedness 15 May 2021, don't forget to share it with your friends and acquaintances, it has been viewed on our site 31,187 once and liked it 282 people.