[TRANSCRIPTIONS]
Hindi lang paghahanda sa mga kagamitan ng pagkolekta ng datos ang kailangan sanayin ng isang enumerator. Bilang taong humaharap sa komunidad at nangangalaga sa mga datos nila, kailangan paunlarin ng mga enumerator ang ilan sa kanilang mga pansariling katangian at kaalaman na may kinalaman sa persons with disability. Sa dahilang ito, mahalaga ang pagdadaos ng training para sa mga enumerators.
Sa video na ito na, matutunan ninyo ang:
● mga criteria na isa-isip sa pagpili ng mga enumerators
● Mga dapat lamanin ng training for enumerators at iba pang mga paghahanda
● At ilang mga paalala para sa mga enumerators bago sumabak sa data collection
Kaakibat ng video na ito ang mga sumusunod na mga manual at guide na maaari na rin i-download para makatulong sa pagsasanay:
Paano ba pumipili ng enumerator para sa IDMS? Anu-ano ang mga katangian at karunungan ng isang magaling na enumerator?
Sa pagpili ng mga enumerators na makakatuwang sa data collection, mainam na may kaunting karanasan sa pangongolekta ng datos ang enumerator sa mga komunidad at mga sambahayan.
Makakatulong din ang sapat na kaalaman sa mga isyu, polisiya, at batas na may kinalaman sa mga persons with disability. Kung may mga organisadong grupo ng mga persons with disability sa lugar ninyo ay mainam na makipagtulungan sa kanila. Maaaring meron din silang mga miyembrong may kasanayan at karanasan sa pagiging enumerator.
Sa pilot implementation ng CDP, karamihan sa mga kinuhang enumerators ay mga persons with disability at nakitang mas nagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili dahil nakaramdam sila ng sense of fulfillment sa pagkuha at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa kanilang mga ka-barangay; habang ang komunidad naman ay natunghayan sa maaari nilang maitulong kapag nabigyan ng oportunidad na maisama, makasali, at makilahok.
Watch video Criteria for selecting enumerators for IDMS online without registration, duration hours minute second in high quality. This video was added by user Center for Disaster Preparedness 15 May 2021, don't forget to share it with your friends and acquaintances, it has been viewed on our site 2,973 once and liked it 26 people.