Please refer to the Primer on Barangay Development Planning included in the IDMS Resource Materials for the complete guide in investment programming and budgeting in the barangay which are integral to operationalize the BDP. The primer also contains templates and other documents helpful for the barangay.
[TRANSCRIPTION]
Iba't iba ang mga pangangailangan ng isang komunidad, simple man o kumplikado.
Ang mga isyu o pangangailangang ito ay lumilitaw mula sa mga problemang kinakaharap ng mga taong bahagi nito.
Dapat matugunan ng barangay o LGU ang mga pangangailan na kanyang nasasakupan upang maging epektibo sa kanyang pamamahala. Kung hindi, ang mga miyembro ng komunidad ay mahihirapang iugnay at yakapin ang mga programa at proyektong nais nitong ipatupad.
Ngunit hindi matutugunan ng barangay ang lahat ng mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan nang sabay-sabay. Limitado ang pondo at mga mapagkukunan nito. Ang pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ay maaaring humingi ng malaking budget.
Dahil sa mga limitasyong ito at sa malawak na saklaw ng mga pangangailangan sa pamayanan, ang pag-prioritize ng mga isyung dapat bigyan ng solusyon ay lubhang mahalaga upang ang barangay ay makapagtuon ng pansin sa pinaka-agarang pangangailangan ng barangay.
Dito makakatulong ang mga OPDs, CSOs, POs, at NGOs sa komunidad. Sa Inclusive Planning and Budgeting, ang mga representante ng mga organisasyong ito ay pupulungin ng barangay sa isang plenary session upang makatulong sa:
● analysis ng data,
● pagprioritize ng mga issues, concerns, at needs ng persons with disability
● pagtukoy sa mga solusyon, at
● pagmonitor ng implementasyon ng mga program at proyekto
Kaugnay dito, maraming tool ang puwedeng gamitin upang matukoy ang mga dapat i-prioritize ng barangay. Isa sa mga tools na ito ay ang Problem-Solution Matrix.
Narito ang hitsura ng nasabing tool na sasagutin sa pagpupulong ng mga organisasyon. Sa tulong ng mga visualization ng IDMS data, hihikayaatin at hahayaan silang talakayin at pag-aralan ang kanilang kasalukuyang sitwasyon. Sa ganitong paraan, natutulungan silang magkaroon ng mas malalim na pagtingin sa kanilang sarili. Nahihimok din silang ihayag ang kanilang mga pangangailangan at alalahanin sa sarili nilang makulay, makabuluhan, at makatotohanang pamamaraan.
1. Matapos mailista ang mga problema at isyu, pati na ang mga solusyong naiisip, iri-rate ng mga kasama sa pagpupulong ang mga problema at pangangailangan ng disability sektor ayon sa napagkasunduang pamantayan.
Halimbawa ng mga ilang criteria ay ang:
● Bilang ng taong maapektuhan (kung mas marami ang taong maapektuhan, mas matimbang ang importansiya nito)
● Pangangailangan ng kagyat na pagkilos
● Kapasidad at resources ng barangay
2. I-rate ang bawat syu ng 1-5, ang pinakamababang puntos na puwedeng igawad ay 1, 5 namang ang pinakamataas;
3. Kunin ang kabuuang puntos ng bawat item, ang mga may pinakamataas na puntos ay ang mga dapat i-prioritize
4. Isama sa plano ang mga iminungkahing solusyon sa mga isyung may pinaka-matataas na puntos; at
5. I-cross-validate ang mga problema at solusyong ito sa isang plenary session kasama ang mga organisasyon o pederasyon ng mga persons with disability.
6. I-tala ang mga komento, feedback at rekomendasyon ng mga ito.
Ngayong may basehan na ang Barangay para sa kanilang pagpaplano, inaasahang mas mapapadali ang kanilang pagtukoy ng mga proyekto, programa, at aktibidades na makakatulong sa kanilang mga sinasakupan lalung-lalo na sa mga persons with disability.
Ang Barangay Development Plan ang opisyal ng dokyumento ng Barangay na nagtatakda ng mga prayoridad na serbisyo ng barangay, at nagsasaad ng mga targets at outputs nito sa loob ng tatlong taon.
Pinangungunahan ito ng Barangay Development Council (BDC) at inaaprubahan ng Sangguniang Barangay. Nakasandig ang Barangay Development Plan sa datos ng komunidad na mayroon ang BDC kaya’t malaki ang maitutulong ng IDMS dito.
Ang mga lilitaw na mga isyung kinakaharap ng mga persons with disability mula sa mga datos ay magiging basehan ng itatakdang prayoridad na mga Programs, Projects, and Activities (PPAs) ng barangay.
Смотрите видео Inclusive planning at the barangay level онлайн без регистрации, длительностью часов минут секунд в хорошем качестве. Это видео добавил пользователь Center for Disaster Preparedness 15 Май 2021, не забудьте поделиться им ссылкой с друзьями и знакомыми, на нашем сайте его посмотрели 5,255 раз и оно понравилось 61 людям.