Dati akala ko napaka imposible ng mga hinihingi ko.. Na walang tao na nasa kanya lahat ng gusto ko. Akala ko napaka demanding ko dahil may mga hinahanap ako sa isang tao at relationship. Akala ko dapat matuto nalang akong mag settle sa kung ano yung dumating at ako nalang ang mag adjust. Akala ko napaka praning ko lang at ang toxic ko kung hihingin ko yung mga bagay na makakapag bigay saken ng peace of mind. Mali pala ako. Naalala ko tuloy yung nabasa ko dati.. “You’re not asking for too much. You’re just asking the wrong person.”. Grabe.. Hindi nasayang ang pag hihintay ko. Ikaw ang pinakamagandang regalo ng binigay saken ng buhay na to. Mas nakikita ko na ang ganda ng araw araw, ng paligid, ng pag hinga at pag mulat, mas masarap nang mabuhay, mas gusto ko nang maging mas maayos at mabuti kasi andito ka na. Ang sarap mong alagaan at mahalin! Mas mahal ko na ang mundo at pinagdarasal ko na sana wag muna to magunaw kasi andito ka at dito kita makakasama. Ito yung klase ng pagmamahal na alam kong madadala ko hanggang sa susunod na buhay. Masaya ako sayo. Kalmado.. Nakakapahinga ang utak ko. Salamat. :) Mahal kita. Ngayon at sa lahat ng bukas. 💚
Смотрите видео Tahanan - Adie (Kaye Cal Acoustic Cover) онлайн без регистрации, длительностью часов минут секунд в хорошем качестве. Это видео добавил пользователь Kaye Cal 09 Май 2022, не забудьте поделиться им ссылкой с друзьями и знакомыми, на нашем сайте его посмотрели 48,166 раз и оно понравилось 1.2 тысяч людям.