Luis Manzano at Jessy Mendiola Kasal na?! | Showbiz Update

Published: 21 March 2021
on channel: Showbiz Update
679
like

Luis manzano at Jessy Mendiola, Kasal na nga ba?!

Wala pang inilalabas na Konpirmasyon sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa lumabas na balitang ikinasal na sila noong Pebrero 21 sa The Farm at San Benito Batangas.

May kasamang larawan nina Jessy at Luis ang lumabas na balita, ng kanilang pagpapakasal, pero blurred at mukha lang ni Luis ang medyo aninag. Si Jessy, nakayuko sa kumalat na litrato at kaliwang bahagi lang ng mukha ang nakita.

Ikinatuwa ng netizens na ikinasal na ang dalawa lalo’t pinaghandaan daw nila, lalo na si Luis na maging financially stable siya to raise a family bago magpakasal. Saka, worth the wait daw si Jessy Mendiola.

May mga nagbiro lang na kaya hindi muna nag-post ng wedding photos o videos sina Luis at Jessy, kung tooong ikinasal sila dahil una muna nilang ilalabas sa kanilang vlog. Depensa ng supporters ng dalawa, walang masama kung sa vlog mauunang ipalabas ang wedding coverage nila.

Source: Philstar.com

Lalo pang lumakas ang haka haka na kasal na nga ang dalawa dahil sa sagot ni Ginang Angeli valenciano kay Luis Manzano, Sa isa sa kanyang Instagram post.

@Angelinavalenciano "Love you Luis and TFTI for your wedding hahaha Congrats son! Can’t forget when you visited us. Love to the wifey

Nitong nakaraang taon lang, December 2020 na engage ang dalawa. Marami naman ang natuwa dahil nalagpasan nila ang pambabatikos sa kanilang 4 na taong relasyon.

Pero sa ngayon, hintayin muna natin ang kanilang kompirmasyon, dahil kung totoo man ito, karapatan naman nila, kung kailan nila gustong ibahagi ang kanilang wedding coverage sa kanilang mga tagasuporta.

******************************
Song: LiQWYD - Alive
Music provided by Vlog No Copyright Music.
Creative Commons - Attribution 3.0 Unported
Video Link:    • LiQWYD - Alive (Vlog No Copyright Music)  
******************************
Motion Graphics provided by https://www.youtubestock.com​
YouTube Channel: https://goo.gl/aayJRf​


Watch video Luis Manzano at Jessy Mendiola Kasal na?! | Showbiz Update online without registration, duration hours minute second in high quality. This video was added by user Showbiz Update 21 March 2021, don't forget to share it with your friends and acquaintances, it has been viewed on our site 679 once and liked it like people.